Add parallel Print Page Options

34 Hindi(A) na nila kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo si Yahweh’; sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan.”

35 Si Yahweh ang naglagay ng araw upang lumiwanag sa maghapon,
    at ng buwan at mga bituin upang tumanglaw sa magdamag;
siya ang nagpapagalaw sa dagat kaya umuugong ang mga alon;
    ang pangalan niya'y Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!
36 “Habang ang kaayusang ito'y nananatili,
    hindi mawawala kailanman ang bansang Israel,” ito ang sabi ni Yahweh.

Read full chapter